Saturday, November 9, 2013

Resulta na Gawa Nang Bagyong Yolanda




Nang unang marinig ko ang balita tungkol sa bagyong parating, ang sabi malakas daw pero nang malaman ko na pangalang babae ang sabi ko, ah mahina lang yan babae eh. Ni animoy wala lang sa akin, hindi ko lubos maisip na subrang lakas ng bagyo. Nang mapanood ko sa TV ang nangyari napahiya ako sa sarili ko nagkamali pala ako.

Nadurog ang puso ko nang mapanood ko sa television ang kalunos-lunos na pangyayari sa leyte,  mga patay na tao at mga hayop. Pati ang simbahan na mismo pinagdasalan ng mga tao hindi pinalampas nang bagyong Yolanda, ganun ka lakas ang bagyo. Ang puno nang nyog na animoy parang isang tingting lang na pinag putol putol nang malakas na hangin.

Napakalaki nang pinsalang naiwan nang bagyo hindi lamang mga ari-arian ang nasira ngunit kasama na ang loob ng bawat isang tao, nagnanakaw na sila para makakain lamang. Lantaran sinisira nang mga tao ang mga tindihan na alam nila na maymakukuha silang pagkain. Nakakakot isipin na ganun ka desperado ang mga tao. Seguro nga karapatang nilang maghanap nang pagkain ngunit paano yong ninakawan? 

Tao din yon, victima, hindi ba maaring humingi nalang tayo? Sakabila nang mga sakit at sakuna alam nating lahat nandyan ang DIOS wag po tayong bumitaw sa kanya. Wala ako sa lugar kung saan nangyari ang lahat. Kaya wala akong karapatang humusga sa kahit kanino, ang akin lang po, tao din yong nikawan nyo at isa din syang victima gaya nyo, sana matoto tayong gumalang sa bawat isa.



Hindi tumitigil ang simbahan, sangay nang pamahalaan, at ibang pribadong organisasyon na makalikom nang ano mang tulong namaibahagi sa inyo. Kaunti pasinsya at dasal pa po ang kailangan natin. Wag po nating gawing dahilan ang nangyari para gumawa nang hindi maganda sa kapwa. Mahal po tayong lahat ng Dios. Nangyayari po sa alin mang sulok nang mundo ang mga sakuna sa ibat ibang paraan.

May mga dahilan po ang lahat, sama sama po tayong magdasal at manalig sa kabila nangyayari sa mundo natin. Lalo po nating kailangan ang Dios. Nadurog ang puso ko na animoy wala nang galang ang bawat isa sa kapwa dahil sa gutom. Humungi po tayo, seguro magbibigay yong kapwa natin, victima din sila. Kailangan din nilang kumain. Hindi po kailangan maging desperado tayo, baka po sa subrang desperado natin kaya na nating pumatay para mabuhay.

Hindi ko mapaliwanag ang hirap nadinanas nang bawat isa, ngunit yong ninikawan nyo victima din, sa tingin ko kung mayhaharang na tao doon sa kung saan nangunguha nang pagkain ang mga victima nang bagyo kaya nilang makipag laban, para makakain. Sa mga taong may kayang tumulong sa kahit na anong paraan tulungan po natin ang kababayanan nating naging victima, may mga simbahan, pamahalaan at pribadong organisasyon, ipaabot po natin ang ating kaunting tulong.


   BUSINESS OPPORTUNITIES CLICK HERE


No comments:

Post a Comment